PAALALA: Ang pasilidad na ito ay para sa pagpapa-Apostille ng NBI Clearance lamang. Para sa pagpapa-Apostille ng ibang dokumento, gamitin ang Online Appointment System (OAS)
Sundan lamang ang mga hakbang na ito:
- Bisitahin ang website na www.apostille.gov.ph – Hanapin ang icon sa ibaba at i-click ito upang mag-book ng appointment.
- Mag-create ng account at mag-upload ng photo ng NBI Clearance – Gamitin ang inyong account upang mag-upload ng malinaw na photo ng inyong NBI Clearance. Siguraduhing malinaw ang photo para awtomatikong mabasa ng system at ma-encode ang mga impormasyon nito sa database.
- Magbayad online – Gumamit ng LANDBANK LinkBiz para magbayad online. Piliin sa listahan ang “Apostille Expedite” na may halagang Php 200.00.
- Mag-book ng appointment – Pagkatapos magbayad, maaari nang mag-book ng appointment. Pumili lamang ng araw at oras para sa pagsusumite ng inyong mga dokumento.
- I-download ang Application Form at Transaction Slip – Matapos ma-approve ang bayad, maaari nang i-download ang Application Form at Transaction Slip.
- Dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
- Original na NBI Clearance
- Application Form
- Transaction Slip
- Government-issued ID ng may-ari ng NBI Clearance at photocopy nito
- Kung hindi ang may-ari ng NBI Clearance ang magsusumite, kailangan ng Authorization Letter na pirmado ng may-ari ng NBI Clearance at isang photocopy ng kanyang ID.
- Kung ang NBI Clearance ay may apelyidong ng asawa, ngunit ang tanging valid ID na maipapakita ng aplikante ay ang kanyang maiden name ID, mangyaring magdala ng kopya ng marriage certificate.
- Kunin ang inyong dokumento – Sundin ang Releasing Date na isusulat ng Processor sa inyong Transaction Slip para ma-claim ang naka-Apostille na NBI Clearance. Dalhin ang mga sumusunod:
- Transaction Slip
- Government-issued ID ng may-ari ng NBI Clearance at photocopy nito
- Kung hindi ang may-ari ng NBI Clearance ang kukuha, Authorization Letter na pirmado ng may-ari ng NBI Clearance at phocopy ng kanyang ID, gayundin ang valid ID ng representative at photocopy nito.
- Maaaring ipa-deliver – Maaaring ipa-deliver ang inyong NBI Clearance na may Apostille. Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa DFAMPC gamit ang mga sumusunod na contact details:
Mobile number: (+63) 9771714713 (+63) 9159155793 (+63) 9163027519 Email address: [email protected]
I-PRINT ang Application Form at Transaction Slip. Sundin ang petsa na nakasulat sa Transaction Slip para dalhin ang inyong mga dokumento sa:
24 Diosdado Macapagal Boulevard
Pasay City, Metro Manila.